November 13, 2024

‘RED-TAGGING’ KAY NINOY AQUINO, BUTATA (FB post ng 2 police stations iniimbestigahan na ng PNP)

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang social media posts ng ilang police stations kung saan inakusahan ang pinaslang na si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na bahagi ng New People’s Army.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick tinitignan na ng ahensiya ang maanomalyang post, at ang sinumang nasa likod nito ay tiyak na gagawaran ng disciplinary actions.

Iginiit niya na hindi gawain ng Pambansang Pulisya na manira ng isang reputasyon. Ani Alba, inirerespeto ng PNP ang human dignity.

Ito’y matapos mag-post sa kanilang social media accounts ang Batangas Maritime Police at Quezon Maritime Police gamit ang hashtags na “NinoyNotAHero” at “NinoyNPA” nitong weekend. Binura na ang nasabing post.

Nabatid na kumalat ang post kahapon kasabay nang paggunita ng Ninoy Aquino day.