January 23, 2025

RED-TAGGING BANTA SA BUHAY, KALAYAAN AT SEGURIDAD – SC

Idineklara ng Korte Suprema na ang red-tagging, vilification, labeling, at guilt by association ay banta sa karapatan ng isang indibidwal sa buhay, kalayaan, at seguridad, na maaaring magbigay ng garantiya sa pagpapalabas ng writ of amparo.

Sa 39-pahinang desisyon, naglabas ang mataas na hukuman ng writ of amparo na pabor kay Siegfried Deduro, isang aktibista at dating kinatawan ng Bayan Muna party list.

Ayon kay Deuro, inakusahan umano siya ng mga opisyal ng militar bilang isang ranggo na miyembro ng CPP-NPA.

Bukod dito, may mga pagkakataon na sinundan siya ng mga hindi kilalang lalaki kaya naghain siya ng petisyon para sa isang writ of amparo sa Regional Trial Court (RTC) ngunit ibinasura ito dahil nakitang hindi sapat ang kanyang mga paratang. Gayunman, nakahanap ang Korte Suprema ng prima facie na ebidensya sa petisyon ni Deduro na nagbibigay-garantiya sa pagpapalabas ng isang writ of amparo at ipinasya nito na ang red-tagging, vilification, labeling, at guilt by association ay banta sa karapatan ng isang indibidwal sa buhay, kalayaan, at seguridad.