GINAGAWA lang ‘gatasan’ ni Senator Richard Gordon ang Philippine Red Cross (PRC) para gamitin umano sa pangangampanya, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“Is the Red Cross saving money so it would eventually pass a resolution to set aside a big amount to fund your elections plans, just like the funds you used in the 2010 amd 2016 campaign?” saad ni Duterte sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng pandemic task force sa Davao City.
“Alam mo, ginagamit mo itong Red Cross and I daresay na ginamit mo talaga ito para sa elections. Ito yung milking cow mo eh,” pagpapatuloy ni Duterte, na nagsabing nais ni Gordon na tumakbong vice president sa 2022 elections.
Sa kabilang dako, para sa Pangulo, isa sa pinakamalaking kasalanan ni Gordon ay nang ipahinto nito ang coronavirus testing matapos na magkaroon ng milyong pisong pagkakautang ang Philippine Health Insurance Corporation sa PRC.
Matatandaan taong 2020 nang itigil ng Red Cross ang pagtulong sa pamahalaan sa coronavirus testing dahil mayroong utang ang PhilHealth dito. Naipagpatuloy lamang ng magbigay ng partial payment ang PhilHealth sa Red Cross.
“Ang pinakamabaho ang nakita ko is, you (Gordon) threatened to stop testing… You stopped testing people so that they will die? Just because you are not paid and the money you have accumulated all these years would run into billions,” lahad ng Chief Executive.
Kaya nga dahil dito ay hiniling ng Punong Ehekutibo sa COA na magsagawa ng auditing sa Red Cross kahit ito’y isang non-government organization.
Sa ilalim ng RA10072, nakapaloob na required ang PRC na magsumite ng annual report sa kanilang financial situation kahit ito ay isang Non-Government Organization. Maaari din na i-audit ng COA ang mga NGO kung nirerequest ito ng pamahalaan, batay naman sa COA-Circular No. 95-003.
“Itong si Gordon nagmamalinis. We will start also with your record as public official, Gusto kong makita ang audit ng Red Cross. The Executive department will demand that will be furnished copies of your audit taken by COA so that we can review.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA