January 19, 2025

Recto: Value-added tax law sa digital services, tiniyak na pantay-pantay ang buwis sa lahat ng digital business

PINURI ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng Republic Act (RA) No. 12023 o ang Value-Added Tax on Digital Services.

Ayon kay Recto, matitiyak nito ang pantay-pantay na pagbubuwis sa lahat ng digital business na nagseserbisyo sa Pilipinas at magbibigay daan sa dagdag na kita para sa pagpapaunlad ng bansa.

Kabilang sa digital services ang mga search engine, marketplaces, cloud services, online media, online advertising at digital goods.


“With this law, we say that if your presence in the Philippine market is as real as your profits, then your tax responsibility should also be equally tangible. But make no mistake. We are not imposing new taxes. We are simply strengthening the authority and streamlining the process of the BIR to collect value-added tax on digital services,” ayon sa Pangulo sa ginanap na seremonya ng paglagda sa batas.

Paglilinaw ni Recto, hindi ito bagong buwis bagkus ito ay upang palakasin at i-streamline ang proseso sa BIR para masingil ng value added tax (VAT) ang digital services.

“This is not a new tax mechanism. We are just merely correcting the current system that creates an unfair advantage to foreign digital service providers and weakens the country’s tax base, forgoing much-needed revenues that could have been used to fund crucial public services, infrastructure, and other socio-economic programs,” saad naman ng Finance chief.

Sa pamamagitan nito aniya ay magkakaroon ng patas na competition at inclusive tax system ang marketplace sa mga Filipino at foreign digital service providers (DSP).

Sa ilalim ng batas sisingilin ng VAT ang mga foreign DSP na lagpas ng P3 million ang gross sales.