December 24, 2024

RECTO SA PAGBABA NG UNEMPLOYMENT RATE: PHILIPPINES IS AT A GOLDEN MOMENT


INIHAYAG ni Finance Secretary Ralph Recto na ang pagbaba ng unemployment rate sa Pilipinas ay nagbubukas ng daan para sa bansa na lubos na gamitin ang mga potensyal ng mga kabataan at manggagawa nito, na tinatawag na “demographic sweet spot”.

“With the most favorable demographics in ASEAN, the Philippines is at a golden moment, and we are committed to making the most of it. Kaya napakagandang balita na mas gumanda ang ating labor market. This is a sign that we are harnessing our competitive advantage by providing more economic opportunities for our people,” ayon kay Recto.

Ginawa ng Finance chief ang pahayag kasunod ng ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang employment rate ng bansa noong Setyembre ay 96.3 percent, mula sa 95.5 percent sa parehong buwan noong 2023 at 96 percent noong Agosto 2024.

Sinabi rin ng PSA na ang unemployment rate ay bumaba sa 3.7 percent mula sa 4.5 percent noong Setyembre at 4 percent noong Agosto ngayong taon.

Ayon kay Recto patuloy na lilikha ang gobyerno ng mas maraming kalidad na trabaho para sa mga Filipino.

Sabi pa niya na ang median age ng Pilipinas ay 25 taong gulang, ang pinakamababa sa ASEAN-6.

Binanggit ang HSBC study, sinabi ni Recto na ang Pilipinas ay inaasahang magkakaroon ng malaking paglago sa working-age population, na aabot sa 15 percent mula 2025 hanggang 2035. Ito ang pinakamabilis na paglago sa rehiyon.

The world is taking notice of the immense potential of Filipino talent. In our recent economic briefings abroad, investors have shown bullishness in our young, skilled, and English-proficient workforce. This is something that they value with high regard, placing us firmly on their radar,” ayon kay Recto.


Samantala, sinabi ni Recto na inaasahan ng DOF ang mas maraming oportunidad sa trabaho sa mga paparating na buwan.

“As the holiday season approaches, we expect more employment available in retail trade as well as accommodation and food services,” saad niya.

Ayon kay Recto, ang pagpapatupad ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) bill ay inaasahang magdudulot ng mas maraming capital-intensive investments sa bansa na naglalayong magbigay ng trabaho at magpapataas ng value-added sectors.

Ang CREATE MORE bill ay isa sa mga “top priority” na sukatan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ito ay naglalayong magbigay ng mga insentibo sa mga kompanya, tulad ng pagpapababa ng buwis, upang sila ay makapag-expand at magbigay ng mga trabaho.