December 23, 2024

RECTO: PH NANATILING ON TRACK SA INFLATION TARGET

TINIYAK ni Finance Secretary Ralph Recto sa publiko na ang Pilipinas ay nakatutugon pa rin sa target nito para sa inflation ngayong 2024.

Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 2.3 percent na inflation para sa buwan ng October 2024, bahagyang mataas kumpara sa 1.9% noong September at mababa naman noong October 2023.

Ayon kay Recto, ang “whole-of-government approach” kabilang ang masusing pagmo-monitor at pagtugon sa mga pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang bilihin ay inaasahan na mapapanatili ang inflation sa loob ng target range sa susunod na dalawang taon.

Dagdag pa ng kalihim, ang bahagyang pagtaas ng inflation noong Oktubre ay dulot ng pansamantalang mga salik gaya ng bagyong Kristine at Leon.

Giit ni Sec. Recto, nakatutok ang Department of Finance sa pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad upang mapabilis ang kanilang pagbangon.