January 10, 2025

RECTO: PH LABOR MARKET PATULOY SA PAGLAKAS

Binigyang-diin ni Finance Secretary Ralph Recto ang patuloy na paglakas ng Philippine labor market na nagpapakita ng unemployment rate na 3.2% noong Nobyembre 2024, pinakamababang rate pagkatapos ng 3.1% noong Disyembre 2023 at Hunyo 2024.

Ang year-to-date average unemployment rate ng Pilipinas ay 3.9%, na mas mababa sa target ng Philippine Development Plan para sa buong taong 2024 na 4.4% hanggang 4.7%.

Ibig sabihin, ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho ay umabot sa 49.5 milyon nitong Nobyembre 2024, mas mataas sa 48.2 milyon noong Oktubre 2024.

“Lalong gumaganda at lumalakas ang ating labor market. At dahil sa patuloy na pagbaba ng inflation rate at paglago ng ekonomiya, asahan po nating mas maraming trabaho pa ang magbubukas para sa ating mga kababayan. We are working non-stop to ensure that we open more economic opportunities to Filipinos, so we can provide more and quality jobs to our people and boost our economy,” ayon sa Finance Chief.

Noong Nobyembre 2024, bumaba ang underemployment sa Pilipinas sa 10.8%, mula sa 11.7% noong Nobyembre 2023 at 12.6% sa Oktubre 2024.

“This development is a testament to our efforts not just to bring additional jobs, but also better quality jobs for Filipinos,” dagdag ni Recto.