January 22, 2025

RECTO IKINALUGOD ANG ‘BBB+’ CREDIT RATING NA IBINIGAY NG S&P SA ‘PINAS

MALAKI ang tiwala ng mga investor at creditors sa pagpapatakbo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ating ekonomiya sa bansa sa kabuuan.

Ito ang reaksyon ni Finance Secretary Ralph Recto sa “BBB+”  rating na ibinigay ng “Standard and Poor” (S&P) sa Pilipinas.

“Ito ay nagpapatunay na malaki ang tiwala ng mga investors and creditors sa pagpapatakbo ni President Marcos, Jr. sa ating ekonomiya at sa bansa sa kabuuan. It reaffirms our stable economic and political environment and that we are on track to achieve a growth-enhancing fiscal consolidation. We have a comprehensive Road to A initiative to ensure that we secure more upgrades soon,” ayon kay Recto.

Una nang inanunsiyo ng S&P na naging positibo ang ekonomiya ng bansa dahil sa epektibong pagpapatupad ng mga polisiya, pagpapaunlad sa imprastruktura at patuloy na pakikipagkalalan sa ibang bansa.

Ibig sabihin nito na mas makapaglalaan pa ng pondo ang Pilipinas para sa mga programang pang-imprastruktura, pangkalusugan, edukasyon at marami pang iba.

Dahil dito, sinabi rin ni Recto na isa rin itong tagumpay para sa mga Filipino.

“The major benefit of having a high credit rating is wider access to cheaper and more cost-effective borrowing costs for the government and the private sector. Ibig sabihin, mas makakapaglaan tayo ng pondo para sa mga programang imprastruktura, pangkalusugan, edukasyon, at marami pang iba. Kaya isang malaking tagumpay ito para sa mga Pilipino,” saad ni Recto.

Kasabay nito ay inaasahan ng S&P na lalago ang ekonomiya ng bansa sa 6.2% sa mga susunod na tatlong taon.