January 25, 2025

Record number ng COVID recoveries naitala sa Malabon

NAKAPAGTALA ng bagong record number ng mga gumaling sa COVID-19 sa magkasunod na araw mula Hulyo 30 hanggang 31, ang lungsod ng Malabon.

Ayon sa ulat City Health Department nung July 30, umabot ng 79 ang bilang ng mga gumaling. Ang mga pasyente ay mula sa Barangay Acacia, 1;  Bayan-bayanan, 2;  Catmon, 5;  Concepcion, 27;  Flores, 3;  Hulong Duhat, 1; Longos, 19;  San Agustin, 7;  Santulan, 6;  Tañong, 7;  at Tinajeros, 1.

Kahapon July 31, muli namang nakapagtala ng 84 na bilang ng pinakamaraming gumaling sa COVID-19 ang lungsod. Ang mga pasyente ay mula sa Bayan-bayanan (2), Catmon (11), Concepcion (16), Hulong Duhat (1), Ibaba (12), Longos (5), Maysilo (4), Niugan (3), Panghulo (1), Potrero (10), San Agustin (2), Tinajeros (4), Tonsuya (7), Tugatog (11).

Samantala, 85 naman ang nadagdag sa mga confirmed cases nung July 30 habang kahapon, July 31 ay naitala din ang maraming bilang ng nagpositibo sa sakit na umabot sa 107.

Apat naman na pasyente ang binawian ng buhay sa magkasunod na araw ng July 30 at 31, sila ay mula sa Barangay Concepcion, Ibaba, Longos at Tugatog. Sa huling datos ng City Health Department hanggang 5pm ng July 31, umabot na sa 1,862 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, 746 dito ang active cases, 1,001 naman ang gumaling at 115 ang biniwian ng buhay.