January 19, 2025

Record 54,589 game 7 finals crowd sa Philippine Arena… BARANGAY GINEBRA DINUROG ANG BAY AREA

KUNG sa mga nakaraang laban ay mistulang batya ang rim para sa mga asintado ng Bay Area Dragons,nitong nakaraang game 7 deciding finals ng Philippine Basketball Association ( PBA) Commissioner’s Cup parang nilagyan naman ng kandado ang buslo ng mapanganib na dayuhan.

     Dito sinamantala ng Barangay Ginebra ang alat ng kalaban upang kontrolin ang bakbakan sa unang hati tampok ang nagbabagang second quarter run para durugin ng pinakapopular ba team sa bansa ang tropa mula Hongkong,China,114-99 at tanghaling conference champion sa harap ng nagbubunying record-crowd sa Philippine Arena sa Bocaue,Bulacan nitong weekend.

    Kinubra ng Ginebra ang ika-15 kampeonato ng prangkisa sa PBA at ito rin ang pang-25 na titulo para kay champion coach Tim Cone.

    Ito rin ang six-of-six PBA finals ng bagong naturalized Pinoy na si Justin Brownlee na kumamada ng 34 points,8 rebounds at 12 assists sa rubbermatch Linggo ng gabi sa larong All-Pinoy squad ang Ginebra.

    “Man ,that makes it even more special playing with all- Filipino for the first time since I’ve been here”,wila ng Pinoy nang si Brownlee.

     Lamang ang Ginebra mula simula sa itinuring na epikong game7 pero nauwi sa ‘rout’  dahilan upang magbunyi ang 54,589 homecrowd na dumagsa sa Arena na naitalang bagong PBA single  game attendance record.

  Kung gaano ka-asintado sina Dragons Myles Powell ( import),Hayden Blankley,Kobey Lam at Glen Tang noong game 6 kung saan alin mang anggulo sa loob at labas ang nagpahirap sa Gin Kings at maipuwesa ang laban sa rubbermatch.

   Ang halos 100% Ginebra crowd ang siyang nska-apekto mismo sa Bay Area upang maitala ng Dragons ang pinaka-mababang 39% sa field kabilang na ang maalat na 11-of -42(26%) aa teritoryo ng tres.

   Ito rin ang dahilan kung bakit walang kapaguran at puro kabayanihan ang ipinamalas nina Brownlee,Scottie Thompson,LA Tenorio, Stanley  Pringle,Japeth Aguilar,Best Player of thr Game Jamie Malonzo at conference MVP Christian Standhardinger.

     “When you have the massive crowd behind you,you play better than you are and we played better than we are .We thank them enough for all showing up,” sambit ni Cone na pinuri din si Dragons’ coach Brian Goorjian ( dating national coach ng Australia basketball team) nitong nakaraang Tokyo Olympics.