Patay ang isang rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos makaengkwentro ng tropa ng gobyerno sa San Jose Del Monte sa Bulacan ngayong araw.
Kinilala ni Col. Charlie Cabradilla, acting director ng Bulacan Police Provincial Office, ang nasawing rebelde na si Jovel Agudez ng Komiteng Larangan Guerilla (KLG) – Narciso.
Ayon kay Cabradilla, na base sa impormasyon na ibingay ng Philippine Army’s 70th Infantry Batallion, nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng mga rebeldeng KLG-Narciso at magkasamang puwersa ng Intel Platoon 70IB, Alpha Company 70IB kasama ang 1st at 2nd Bulacan Provincial Mobile Force companies, City of San Jose Del Monte (CSJDM) Police Station at 33rd Company of Regional Mobile Force Batallion 3 (Central Luzon) sa Sitio Katorse, Barangay Kaybanban, San Jose Delmonte City.
Narekober ng tropa ng gobyerno sa pinangyarihan ng engkwentro ang cal. 5.56 na baril na kargado ng bala, iba’t ibang dokumento at mga personal na gamit.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA