Ligtas ang mga miyembro ng Philippine Health Corporation Insurance Corporation (PhilHealth) matapos nitong suspindehin ang taas-kontribusyon na dapat sana’y epektibo ngayong buwan.
Ayon kay PhilHealth president and CEO Atty. Dante Gierran, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon nila na ipagpaliban ang dapat sana’y 3.5-percent rate ng direct contributors.
“In response to his directive, PhilHealth will still collect premiums from Direct Contributors using the 3% insted of the 3.5% contributions rate; and the P60,000 instead of the P70,000 ceiling in CY 2020,” ani Gierran.
Paliwanag ng opisyal, epektibo lang ang suspensyon ng contribution hike hanggang makapag-pasa ng bagong batas ang Kongreso na magbibigay basbas sa deferment ng scheduled na premium adjustment.
Kung wala raw maipapasang bagong batas kaugnay ng contribution hike, ibabalik ng PhilHealth ang scheduled premium rate at ceiling na nakasaad sa ilalim ng Universal Healthcare Law.
“The interim arrangement will be good until Congress is able to pass a new law allowing the deferment of the scheduled premium adjustment in the Universal Healthcare Act of 2019.”
“Should there be no new legislation passed for this purpose, the state health insurer will proceed with the scheduled premium rate and ceiling as provided for in the UHC Law.”
Nitong Lunes nang umapela si Duterte sa PhilHealth na huwag munang ipatupad ang scheduled increase sa kontribusyon.
“Huwag muna ngayon, no increase in contributions. I will look for the money to fill it up.” Sa ilalim ng UHC Law, madadagdagan ng 0.5-percent ang kontribusyon ng PhilHealth members kada taon, hanggang maabot ang limit na 5-percent sa 2025.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA