NOONG kapanahunan nina Victor Wood, Eddie Peregrina at April Boy Regino, sila ang mga sikat na singer at tinaguriang ‘Jukebox King,’ ng kanilang panahon. Sa panahon ngayon, dahil sa awitin ni Rash Juzen na ‘Sa Aking Pag-iisa.’ Halos araw-araw ay laging request ang kanyang awitin, dahil ang nasabing mensahe nito’y tungkol sa puso.
Malinis at klaro ang intonation nang pagbikas ni Rash ng kanyang awit, kaya halos lahat ng nakapakinig ng ‘Sa Aking Pag-iisa’ ay lagi nila itong hiniling na patugtugin sa kanilang mga radio program.
Nang umere ang awitin ni Rash, binuhay muli ng binatang singer-actor ang mga kantang may hugot sa puso. At naging trending ito sa social media, kaya binansagan siyang ‘Social Media Jukebox Idol.’
“Laki po ng aking pasasalamat sa mga taong lagi nilang hinihiling na patugtugin ang aking awitin na ‘Sa Aking Pag-iisa,’ under PolyEast Records. Dahil po sa kanilang suporta ay, binansagan tuloy akong ‘Social Media Jukebox Idol.’
Maaari na ring i-download ang kanyang awitin sa digital music stores worldwide. At abangan ang kanyang pag-iikot sa mga sumusunod na radio stations, DZRH Manila 666 kHz, DZMT Laoag 990 kHz, DWDH Dagupan 1440 kHz, DWSP Baguio 612 kHz, DZHR Tuguegarao 576 kHz, DWRH Santiago 828 kHz, DWSR Lucena 1224 kHz, DYPH Palawan 693 kHz, DWMT Naga 981 kHz, DZZH Sorsogon 1287 kHz, DYKX Kalibo 693 kHz, DYDH Iloilo 1485 kHz, DYBH Bacolod 1080 kHz, DYXR Cebu 1395 kHz, DYTH Tacloban 990 kHz, DXZH Zamboanga 855 kHz, DXKH Cagayan De Oro 972 kHz, DXRF Davao 1260 kHz, DXGH General Santos 540 kHz, DXTS General Santos 94.3 MHz, DXBH Bislig 1035 kHz at sa DXCH Cotabato 567 kHz.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA