Muling ginulpi ng Boston Celtics ang Toronto Raptors, 102-99, sa Game 2 ng Eastern Conference playoffs semis. Kaya naman, abansa na sa 2-0 sa series ang mga bataan ni coach Brad Stevens.

Kumana ng 34 points si Jason Tatum para sa Boston. Tumulong naman si Marcus Smart na nagtala ng 19 points.
Nag-ambag naman si Kemba Walker ng 17 points. Sa panig naman ng Raptors si Og Anunoby ng 20 points. Bumuslo naman ng 19 si Fred VanVleet. Nag-ambag naman ng tig-17 points sina Serge Ibaka at Kyle Lowry.
Malaking bagay ang fourth quarter comeback ng Celtics. Kung saan nanguna si Smart sa pagbuslo ng three triples.
Nahabol ng Celtics ang 8 points lead ng Raptors. Ito’y mula sa 70-78, na naging 80-79 at 82 all. Tuluyan nanglumamang ang Celtics sa 86-65, 7:55 clock sa 4rth quarter.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT