IPINASASARANG tuluyan ng Securities and Exchange Commission ang news site na Rappler.
Ito ay ayon mismo sa CEO ng Rappler at ng beteranong journalist na si Maria Ressa.
Sa isang statement na ginawa sa East West Center Conference sinabi ni Ressa na “SEC has affirmed its earlier decision to revoke the certificates of incorporation of Rappler Inc. and Rappler Holdings Corporation.”
Base umano ang desisyon sa inilabas na order nitong Hunyo 28 ngunit hindi pa ito naisasapubliko.
“We were notified by our lawyers of this ruling that effectively confirmed the shut down of Rappler,” sabi ni Ressa sa harap ng EWC. Anya pa, i-aapela pa rin umano nito ang naging desisyon, kasabay ang pagsasabi na ang nangyaring proceeding ay “highly irregular”.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA