ARESTADO ang rapper na si Jed Andrew Salera, o kilala sa tawag na Range999, na sangkot sa pamamaril sa isang American national sa isang hotel noong Linggo ng umaga, Marso 17.
Ayon sa Mabolo Police Station, inihahanda na ang kasong frustrated murder at illegal possession of firearms laban sa naturang rapper.
Kinilala naman ang biktima na si Michael George Richey na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital dahil sa tama ng bala.
Basa sa imbestigasyon, naganap ang pamamaril sa labas ng kilalang bar na nasa loob ng hotel compound sa Brgy. Lahug, Cebu City dakong alas-6:30 ng umaga noong Linggo.
Nag-ugat ito nang magkaroon ng kaguluhan sa loob ng bar, kaya pinalabas sila ng mga bouncer.
Sa pahayag ni Salera, binastos ng foreigner ang kanyang mga kaibigang babae na kliyente ng bar kaya niya ito binaril.
Binalaan ni Salera si Richey pero hindi ito pinansin nang hawakan ng huli ang puwet ng kanyang mga kaibigang babae.
Gayunpaman, pinabulaanan ng pulisya ang pahayag ni Salera na sinasabing nasa loob ito ng bar bago ang pamamaril kay Richey.
Sa kuha kasi ng CCTV camera, makikitang dumating ang suspek sa hotel compound sakay ng kulay asul na sports utility vehicle (SUV).
Makikitang hinay-hinay na huminto ang sasakyan ni Salera papunta sa crowd ng bargoers. Ilang sandali pa’y makikita si Richey na naglakad papunta sa driver’s side ng SUV. Pagkatapos ay binuksan ang pintuan ng sasakyan pero binaril siya ng rapper.
Matapos ang pamamaril agad na tumakas ang suspek at nagtago sa bahay ng kanyang manager sa Sunshine Valley sa Brgy. Quit Pardo, Cebu City.
Nadakip si Salera ng pulisya makalipas ang apat na oras o pasado alas-11:00 ng umaga.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang .45 caliber pistol na may live ammunition at dalawang empty shells.
More Stories
Gatchalian sa DOLE: Gumamit ng proactive approach para kanselahin ang permit ng mga dayuhang manggagawa ng POGO
MARCOS: MAGDASAL, MAGKAISA SA GITNA NG SUNOD-SUNOD NA KALAMIDAD
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS