![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-45-1024x682.png)
Arestado ang isang 19-anyos na binata na wanted sa kaso ng panggagahasa nang matiyempuhan ng tumutugis na mga pulis sa Malabon City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusadong si alyas “Dodong” sa Brgy. Longos.
Inatasan ni Col. Baybayan ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team at tugisin ang akusado na nakatala bilang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod.
Dakong alas-10:10 ng umaga nang matiyempuhan ng mga tauhan ng WSS ang akusado sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape in relation to RA 7610 (Child Abuse) na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene L. Mapile-Osinada, ng RTC Branch 289, Malabon City noong April 23, 2024, na may inirekomendang piyansa na P200,000.
Pansamantalang nakakulong ang akusado sa Malabon CPS Custodial Facility habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
Pinuri ni Col. Ligan ang Malabon police sa kanilang walang humpay na paghahangad ng hustisya at dedikasyon sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko.
Aniya, ang NPD ay nananatiling nakapukos sa pagtugis sa mga wanted person at pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad.
More Stories
ROMUALDEZ, 3 PANG KONGRESISTA KINASUHAN NG DUTERTE ALLIES (Dahil sa umano’y anomalya sa 2025 budget)
‘Siga’ isinelda sa baril at panggugulo sa Caloocan
Wanted person sa rape timbog