
TIKLO ang 74-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa probinsya ng Masbate, sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng tanghali.
Pansamantalang nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station ang akusado na si alyas “Bin”, 74, residente ng Bagong Silang. Muntinlupa City.
Sa ulat, dakong alas-11:40 ng tanghali nang maaresto ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban sa Valenzuela Gateway Complex, Brgy. Paso de Blas ang akusado na kabilang sa talaan ng mga ‘Most Wanted Person’ sa lalawigan ng Masbate.
Maayos namang isinilbi sa akusado ng mga tauhan ni P/Capt. Ronald Bautista, hepe ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section ang alias warrant of arrest para sa paglabag sa R.A. 8353 (Anti-Rape Law) in relation to R.A. 7610, na inisyu ni Presiding Judge Domingo B. Maristela Jr., ng Regional Trial Court Branch 49, Cataingan, Masbate City, noong December 16, 2011.
Ayon kay Col. Cayaban, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na hinihintay na lamang ang ilalabas na
commitment order para sa paglilipat sa kanya sa Provincial Jail ng Masbate.
Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang mga operatiba ng Valenzuela City Police Station sa kanilang walang tigil na pagsisikap sa pagtiyak ng hustisya at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
More Stories
2 HVIs drug suspects, tiklo sa P1.3M shabu sa Caloocan
Droga itinago sa ari ng ginang (Tinangkang ipuslit sa New Bilibid Prison)
VICO SOTTO SA UMANO’Y PANINIRA NI SARAH DISCAYA: ‘OH COME ON’