Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Raphael Perpetuo Lotilla bilang kanyang energy secretary.
“The President has designated a new Energy Secretary, Raphael Perpetuo Lotilla,” wika ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Nagsilbi si Lotilla bilang Kalihim ng Department of Energy (DOE) mula 2005 hanggang 2007 noong panahon ng administrasyong Arroyo.
Bago pa ito, siya ay naging Pangulo ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation at Deputy Director General ng National Economic Development Authority.
Nakamit ng bagong DOE chief ang kanyang Bachelor of Laws mula sa University of the Philippines, kung saan siya ay kasalukuyang law professor.
Nakuha ni Lotilla ang kanyang Masters of Laws mula sa University of Michigan Law School sa Ann Arbor, Michigan.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna