MAKALIPAS ang halos pitong taon, bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaki na wanted sa kasong rape matapos mabitag sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz si Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Edmund Jacinto, 25, residente ng Barangay Maysan at listed bilang isa sa mga most wanted person sa lungsod.
Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police na naispatan ang presensya ng suspek sa kanilang lugar.
Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pamumuno ni P/Major Marissa Arellano saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa kanyang bahay.
Ani Major Arellano, isang 16-anyos na dalagita ang nagsampa ng kasong rape kontra sa suspek noong December 2016.
Si Jacinto ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 31, 2017 ni Presiding Judge Evangeline Francisco ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 para sa kasong rape at walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA