November 19, 2024

Ranking hamon sa DOTR… PILIPINAS KABILANG SA WORST AIRPORT, TRANSPO SA BUONG MUNDO

Tinanggap ng Department of Transportation (DOTr) ang hamon para bigyan ng maayos na passenger experience at i-improve ang mobility matapos mapabilang ang Pilipinas sa ‘worst’ sa buong mundo pagdating sa airport services at public transit.

“We take this as a challenge. We welcome comments, suggestions, recommendations and even criticisms because this is the way for us to be able to draw what the past few years are feeling, what they need so that we can address this more,” ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista sa CNN Philippines’ The Source.

Kamakailan lang, napasama sa listahan ng Hawaiian Island ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang ikatlo sa most stressful airport sa Asia at Oceania.

Sa datos na inanalisa nito mula sa mahigit 1,500 Google reviews mula sa higit 500 airport sa buong mundo lumalabas na 58% ng mga pasahero na pumupunta sa main international gateway ng bansa ay nakakaranas ng stress.

Samantala, sa latest public transit sub-index ng Urban Mobility Readiness Index (UMRI) pang 56 ang Maynila sa 60 piling global cities, o pang lima sa pinakamalala sa mundo, pagdating sa public transportation.

Ayon kay Bautista na sa pagsisimula ng bagong administrasyon, kabilang ang reporma sa ipinapakilala pagdating sa pagma-manage at pag-o-operate ng NAIA.

Kabilang dito ang terminal reassignment ng ilang flights na sisimulan sa susunod na buwan, kung saan saklaw ang Philippine Airlines, Cebu Pacific at AirAsia, upang maiwasan ang pagsisikip sa ilang pasilidad. Gumagawa na rin ng hakbang ang pamunuan para ayusin ang mga pasilidad at tiyakin na mabibigyan ng komportableng upuan ang mga pasahero na may delayed flights.

Pagdating sa seguridad, sinabi ni Bautista na nakikipagtulungan na sila sa Transportation Security Administration ng United Sates upang mapag-aralan ang kanilang kasalukuyang practices na kanilang ipinatutupad sa kanilang mga paliparan. Habang masaya ang US agency sa security checks na iligay sa lugar, nilalayon ng DOTr na magbawas ng check points, lalo na sa apat na US-bound passengers.

“What we plan to do when we transfer the flight to [NAIA] terminal one is to reduce this at least by one. In the meantime, we will not be able to reduce by two, but the plan is to reduce it by one and if the TSA will be happy with the result of test, we can reduce it by two,” dagdag ng opisyal.

Sinabi ni Bautista na nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa mga concessionaires sa mga paliparan para payagan ang mas maraming paraan ng pagbabayad bukod sa cash para sa mga pasahero.

Sa public transportation naman, sinabi nito na magdagdag sila ng tatlo pang stops sa EDSA bus way, at plano nila na maglagay ng mas marami pa sa hinaharap sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa private companies.

Kinokonsidera rin nila ang pagsasapribado ng EDSA busway.

“We will invite them to do operations and maintenance and this will make the busway more efficient. So, we are preparing the terms of reference, we are preparing actually a feasibility study for the privatization of this busway,” aniya.