Sabi nga ni Peter Drucker, isa sa mga pinakatanyag at maimpluwensiyang mag-isip pagdating sa pamamahala, “Rank does not confer privilege or give power. It imposes responsibility.”
Kaya nasa tamang landas si Senator Roland “Bato” dela Rosa para itulak ang panukalang batas na layong mag-reorganize sa rank classification sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Binigyang diin ni Dela Rosa na tulad ng mga pulis at sundalo ay nagpapakita rin ng dedikasyon at sakripisyo ang ating mga fire at jail officer sa pagganap sa tungkulin sa bayan.
Hindi aniya matatawaran ang sakripisyo at serbisyo sa bayan ng BFP at BJMP.
Nitong naraan nga lang taon ay mayroong naitalang 18,612 na mga insidente ng sunog sa bansa. Hindi rin nalalayo ang kinaharap na mga responsibilidad ng mga taga-BJMP. Ang populasyon sa ating mga kulungan na may kapasidad na 30,000 ay umabot na sa mahigit 130,000 PDLs noong 2019.
Para sa taong ito, halos umabot ng 150,000 ang mga PDLs dahil sa paglabag sa mga quarantine protocols laban sa COVID-19. Batay sa mga datos na ito, hindi maipagkakaila ang kahalagahan ng BFP at BJMP upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng ating bansa.
Malaki rin ang naitulong ng BFP at BJMP katuwang ang ating mga kapulisan at kasundaluhan sa pagtugon sa COVID-19.
Ilang public servant sa BJMP ang idinonate ang bahagi ng kanilang sahod upang tulungan ang pamahalaan para sa tulong pinansiyal sa mga kababayan natin na apektado ng pandemya.
Ang BFP rin ay bahagi ng Municipal/City COVID-19 Task Forces na siyang tumutulong sa City/Municipal Health Office upang ihatid ang mga COVID-19 patient nang magsimula ang pandemya. Nitong Hulyo ngayong taon, umabot sa 1,674 na COVID-19 patients ang naihatid ng BFP sa buong bansa.
Kaya naman napapanon na aniya upang itama ang hindi pagkakapantay-pantay sa mga ranggo ng line bureaus ng Department of the Interior and Local Government.
Sa ilalim ng Senate Bill 1833, ia-upgrade ang ranggo ng mga jail at fire officers at itutulad na sila sa rank classification ng Philippine National Police (PNP).
Sa ilalim ng Senate Bill 1833, ia-upgrade ang ranggo ng mga sumusunod sa pangunahing posisyon kasama na ang kanilang salary grades.
● Fire/Jail General – Salary Grade 30
● Fire/Jail Lieutenant General – Salary Grade 29
● Fire/Jail Major General – Salary Grade 28
● Fire/Jail Brigadier General – Salary Grade 27
● Fire/Jail Colonel – Salary Grade 26
● Fire/Jail Lieutenant Colonel – Salary Grade 25
● Fire/Jail Major – Salary Grade 24
● Fire/Jail Captain – Salary Grade 23
● Fire/Jail Lieutenant – Salary Grade 22
● Fire/Jail Executive Master Sergeant – Salary Grade 19
● Fire/Jail Chief Master Sergeant – Salary Grade 18
● Fire/Jail Senior Master Sergeant – Salary Grade 17
● Fire/Jail Master Sergeant – Salary Grade 16
● Fire/Jail Staff Sergeant – Salary Grade 14
● Fire/Jail Corporal – Salary Grade 12
● Fire/Jail Officer – Salary Grade 10
Naniniwala si Senador Dela Rosa na kapag naisabatas ang Senate Bill No. 1833 magkakaroon ng positibong pagbabago sa organisasyon ng dalawang kawanihan, na tulad ng PNP ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DILG. Push mo ‘yan, sir!
More Stories
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino