
Nagbigay si San Miguel Corporation (SMC) president and CEO Ramon Ang ng P10 milyon mga pamilya ng limang lalaking namatay habang nagsasagawa ng rescue operation sa Bulacan noong kasagsagan ng Bagyong Karding.
Ayon sa SMC, ipinagkaloob ni Ang tig-P2 milyon sa mga naulilang pamilya nina Troy Agustin, Marby Bartolome, George Agustin, Jerson Resurreccion at Narciso Calayag Jr., at inalok din sila ng business start-up packages.
Kasama ng SMC boss si Bulacan Gov. Daniel Fernando nang ipamahagi ang tseke sa mga apektadong pamilya.
“I join fellow Filipinos in thanking our brave rescuers for their heroism. My hope is that their families will get to see how much we all appreciate them,” saad ni Ang.
“They inspire us to do selfless deeds in our everyday lives. Their ultimate sacrifice in the line of duty will not be forgotten,” dagdag pa niya.
More Stories
DELA ROSA SA PNP: SA HALIP MAKISAWSAW SA PULITIKA, PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING TUTUKAN
PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO
ROQUE, MAHARLIKA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA POLVORON VIDEO