NAGWAKAS na rin ang matagal na pagka-tengga ng Davao Occidental Cocolife Tigers.
Ang pinakahihintay na go-signal mula Inter-Agency Task Force (IATF) Fight Against Covid-19 ay ginarantiya na para sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) upang makabalik-aksiyon sa hardcourt.
Itutuloy ng non-professional na liga àng Chooks -to-Go Lakan Cup playoffs simula Marso 10 sa SBMA, Olongapo City.
Apat na koponan na kinabibilangan ng Davao Occidental laban sa Basilan sa South Division at San Juan kontra Makati sa Norte ang magbabakbakan sa kanilang titulo sa dibisyon sa isang do-or-die game kung saan natigil ang kabanata isang taon na ang nakaraan dahil sa pandemya.
Ang koponang Tigers ni Rep Claudine Bautista ng Davao Occidental na suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay handa nang maghasik ng bangis sa bubble at ituloy ang misyong kampeonato nasyunal sa ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.
Ang powerhouse team mula Mindanao na binubuo ng subok at bateranong sina Mark Yee, Bonbon Custodio, Billy Robles, Emman Calo, Bogs Raymundo, Gerwin Gaco, Joseph Terso, Harry Bonleon, Ronald Lamocha katuwang ang matalas na bagitong sina Yvan Ludovice, Richard Albo, Kenneth Mocon, Chester Saldua at Marco Balagtas ay kailangan munang idispatsa ang palabang ka-Mindanaoan na Basilan sa larong ‘win-or-go-home’ rubbermatch upang umabante para sa national championship series kakalabanin ang magwawagi sa bakbakang San Juan kontra Makati.
“Our Tigers are 100% fit and ready for the play-off, armed with a mission of winning no less than a national crown. They’re raring to roar at the Subic bubble”, pahayag ni team manager Dinko Bautista na nagpasalamat kina deputy manager Ray Alao, basketball operation head Bong Baribar at buong coaching staff sa kanilang marubdob na pangangasiwa ng virtual training at physical conditioning ng team sa panahon ng lockdown.
Maninibago lang ang crowd drawer na Tigers na lalaro nang walang audience dahil sa mahigpit na health protocols na ipinatutupad ng IATF.
Dumating ang tropang Davao Cocolife sa SBMA kahapon para sa swab test bago tumuloy sa hotel at apat na araw na ensayo para sa division finals sa Marso 10 at kung papalarin ay ang national finals best-of-five series simula Marso 12.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE