Pinagbigyan na ng Quezon City government ang hirit ng grupong BAYAN at Sanlakas na makapag-rally sa Commonwealth Avenue.
Kasunod ito ng isinagawang State of the Nation Address (SONA) coordination meeting ng Department of Public Order and Safety (DPOS), ng Epidemiology and Surveillance Unit at Task Force on Transport and Traffic Management.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nag-utos na rebyuhin ang hirit na permit to rally matapos na umapela ang grupong BAYAN.
Una na kasing ibinasura ng DPOS ang kahilingan ng grupo.
Dumalo rin sa pulong sina QCPD District Director PBGen. Remus Medina at DILG QC Director Manny Borromeo.
Batay sa napagkasunduan, papayagan na ang mga progressive groups na makapagmartsa sa Commonwealth Avenue (eastbound) hanggang sa kanto ng Tandang Sora Avenue.
Inanunsyo rin ng local government unit (LGU) na pinayagan din ang mga alyadong grupo ni Pangulong Bongbong Marcos na makapagdaos ng kanilang programa sa IBP Road malapit sa Sinagtala Street, Barangay Batasan Hills.
Sinuspinde na rin ng lokal na pamahalaan ang klase sa lahat ng antas upang hindi mahirapan ang mga estudyante sa pagbiyahe.
Hinikayat din ng LGU ang mga may ari ng Quezon City-based businesses na magsuspinde ng pasok ng kanilang mga manggawa upang hindi na makadagdag sa pagbigat ng daloy ng trapiko.
Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga organizers ng mga militanteng grupo na mahigpit na ipatupad ang minimum health protocols at dapat na disiplinahin nila ang kani-kanilang hanay. Nangako naman ang Philippine National Police (PNP) na pananatilihin nila ang maximum tolerance.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA