December 27, 2024

RAFFY TULFO TOP 1 SA SENADO

Nangunguna pa rin si Broadcaster Raffy Tulfo sa isang pre-election survey para sa senatorial aspirants na isinagawa ng Pulse Asia.

Sinundan siya nina Senator Alan Peter Cayetano na pumapangalawa at Loren Legarda na pumapangatlo.

Ayon sa Pulse Asia’s survey na inilabas ngayong Linggo, 66.1 percent ng mga respondents ang nasabing iboboto nila si Tulfo. Isinagawa ang nasabing survey mula Enero 19 hanggang 24.

Si Cayetano ang napiling kandidato ng 58.2 percent ng respondents habang si Legarda ay may 58 percent, ayon sa Pulse Asia.

Samantala, nasa pang-apat naman si Sorsogon Governor Chiz Escudero na may 55.7 percent at panglima si dating Public Works secretary Mark na may 52.9 percent.

Narito pa ang iba pang kandidato na pasok top list:

Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri — 50.3 percent
Senator Sherwin Gatchalian — 45.9 percent
Former vice president Jejomar Binay — 44.5 percent
Former senator Jinggoy Estrada — 40.4 percent
Senator Joel Villanueva — 40.4 percent
Senator Risa Hontiveros — 37.1 percent
Actor Robin Padilla — 35.9 percent
Former senator JV Ejercito — 33.9 percent