
MAYNILA — Inamin ng kilalang radio personality na si Nicole Hyala na siya’y na-diagnose ng thyroid cancer, ayon sa isang emosyonal ngunit positibong Instagram post na inilabas niya ngayong linggo.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Nicole (Geraldine “Nicole” Teodoro-Herrera sa totoong buhay) na nananatili siyang kalmado sa kabila ng balita:
“So… I just found out I have thyroid cancer. And surprisingly, I am calm. Pero bago kayo mag-panic, ayon sa mga eksperto, thyroid cancer is often called the friendliest cancer.”
Ikinuwento rin ng DJ ng 90.7 Love Radio na marami na siyang dinaanang pagsubok, kaya’t pinili niyang manatiling positibo:
“I’ve faced battles that broke me… seasons that nearly crushed me. But here I am still standing, still smiling, still kumikinang.”
Giit pa niya, kumakapit siya sa pananampalataya:
“This diagnosis wasn’t part of my plan, but it’s part of God’s… Thyroid cancer, you picked the wrong girl. Mali ka ng kinalaban. Wag ako. Hahahahaha!”
Ayon sa mga endocrinologist, karamihan sa kaso ng thyroid cancer ay maagang natutuklasan at mataas ang survival rate lalo na kung agad magagamot sa pamamagitan ng operasyon, radioactive iodine therapy, o hormone replacement.
Bumaha ang mensahe ng suporta sa social media mula sa kapwa DJ, artista, at tagapakinig na matagal nang sumusubaybay sa signature humor at inspirasyonal na kwento ni Nicole.
Wala pang detalye kung kailan isasailalim sa operasyon o gamutan si Nicole, ngunit tiniyak niyang mananatili siyang aktibo sa radyo at online hangga’t pinapayagan ng kanyang kalagayan.Patuloy naming babantayan ang update sa kalusugan ni Nicole Hyala at ang susunod na hakbang sa kanyang laban kontra thyroid cancer.
More Stories
Most Wanted sa carnapping, kusang sumuko sa Caloocan Police
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
2 REGIONAL MOST WANTED NA PUMATAY SA PULIS, NALAMBAT SA LAGUNA