INATASAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa brutal na pagpatay kay Misamis Occidental broadcaster Juan Jumalon sa bayan ng Calamba ngayong araw.
“Ang ganitong walang kabihasnang pag-atake sa ating mamamahayag ay walang lugar sa isang demokratikong bansa, mababasa sa inilabas na statement ng Malacañang.
“Makakaasa kayo ng aming masusing pagtutok upang mabigyan ng hustisya ang kanyang pagpaslang.
Si Jumalon, 57, kilala bilang “DJ Johnny Walker” ng Gold FM 94.7 Calamba ay pinaslang sa loob ng kanyang tahanan kung saan naroon din ang kanyang radio booth sa Calamba, Misamis Occidental. Nakita rin sa kanyang Facebook livestream ng kanyang programa ang ginawang pamamaril.
Simula 1986, umabot na sa 199 journalist ang pinaslang sa Pilipinas, base sa datos at monitoring ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., apat na journalist na ang napatay: Rey Blanco, Percival “Percy Lapid” Mabasa, Cresenciano Bunduquin at Jumalon.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI