December 27, 2024

QUO VADIS ISAMBAYAN?

NAPAPANAHON ang galawan ng oposisyon.

Nagkapit-bisig na nga ang lahat ng kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Ilan dekada silang nasa trono na nagpahilahod sa pamumuhay ng masa, may apog pa silang  ipangalandakan ang nagawa nilang naging  pagsadsad ng bayan.

Tutal ay tanggap na nilang  ‘di nila kayang pabagsakin ang mahal ng masang incumbent president at wala naman silang naitutulong sa sambayanan, eh magtayo na sila ng sarili nilang republika at lisanin na  ang bayan ni Juan upang itatag na lang ang  isang bayan na kanilang- kanila at doon sila magpakadisenteng magbangayan kung sino ang tatayong lider (iyung -iyong) bibirahin din nila araw-araw.

Mayorya daw sila pagnagsama-sama at nag-isambayan.

Eh Iilan lang naman sila kaya doon na lang  sa isang isla sila sa ibinenta nilang lupa sa Tsina na ISKARBOROW.

Doon na itatayo ang kanilang ISAMBAYAN!

Kunsabagay, meron silang higit naman sa tatlong porsiyento  na ayaw sa working administration, mga bilib sa sarili at may ilang tagasunod kaya sila na lang ang gawing mamamayan ng republika nilang puro angal at epal.

Magkakaroon sila ng sariling suplay ng tubig, kuryente, telco at negosyo dahil sa kanila ang oligarko na nabuking ng Presidente na nagkakamal at nagsasamantala lang sa mga konsyumer at residente.

Meron din silang institusyon ng edukasyon tulad ng pasaway at radikal na state universities at paaralan ng mga burgis na galit sa kasalukuyang Pangulo.

May mga ilang Senador at iilang Kongresista sila kaya magkaroon din ng August Chamber, lower and upper.

Smarte at ‘matic silang may Comelec na tunay na kasangga ng mga dilawan at kasabwat sa pag-magic at pandaraya ng boto.

Mga yellow artists na bopol ay naglipanang bumibira sa pamahalaan o umaarte lang na kasangga nila.

Kung nais naman nilang magdasal at mangumpisal dahil sa kanilang kasalanan sa bayan, may sarili silang simbahan ng mga parimonyong banal.

Mayroon nga silang multi-party system at ang ruling party ay Yellow at minority ang Red Party List na Makabayan Buloc.

Kanila rin ang ilang mga isla na Justices ng itatayo nilang sariling Korte Suprema at mayroon silang kulungang ‘Munti’ na pamumunuan ng dalawang dating Senador na Dilimaw at Senator Coup’al.

May transportasyon din sila tulad ng mga bagon ng tren na walang kasukat na riles pati  mga phaseout na dyipni at bus na ipinagtatanggol nilang huwag maglaho sa kalsada  dahil ayaw ng modernisasyon.

Tiyak na mayroon silang raliyista dahil sasama sa kanilang ISAMBAYAN si Babareys Lamanlansangan.

Magkakaroon pa rin ng insurgency dahil tiyak na kasama ang mga pulahan sa pamumuno ni Jomapor all season na malayang makapag- ekstorsiyon dahil ala silang na-recruit na militar at parak.

Sisipsip sila sa Amerika para hindi lusubin ng higanteng kalabang Tsina ang kanilang isang bayan ng mga ipokrito, sakim sa kapangyarihan, walang kabusugan, traydor sa lahi, bahag ang buntot sa dayuhan, tigib nang kasinungalingan, walang malasakit sa mamamayang kilala lang nila kung may halalan at rehimen ng mga burgis na nagsipagyaman sa pagsimot ng kaban ng bayan… beke nemen!

At kasama sa mainstory nila ang mainstream biased media na kakomplut nilang gibain ang kinaiinggitan at kinasusuklaman nilang kasalukuyang administasyon dahil ‘di sila sanay sa tapat na panunungkulan.

Kaya hala sige lumayas na kayo dito at itayo ang inyong sariling nasyong kayu-kayo na lang sa inyong iscambayan este isambayan-ang Republika ng Yellowpins.

ABANGAN!!

Lowcut :” Ang mga pasimuno ng Isambayan ay sina Isampanot, Isampeykbipi, Isampalengking, Isamprank, Isambulaga, Isangispekir, Isamvirus, Isambanana, Isampangil, isangcoupal, Isampari, Isamfing, Isampoe,Isampulahan, Isangolligark, Isambrodkas, isambulaklakin, Isandabila, isamarewini, isampeyknyus, Isambopol, isangagot at isangapo!

Isampakman? Isambarangay lng kayo, isampal n’yo mukha n’yo sa Isambayan n’yo!!”, sagot ng mayoryang sambayanan