Umeskapo na umano ng bansa ang kontrobersiyal na si Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy, isang pugante sa United States at subject ng Senate investigation dahil sa umano’y pangaabuso sa kababaihan at kabataan.
“Nakatanggap kami ng impormasyon na wala na sa bansa si Quiboloy at napaulat na nasa China na ngayon,” ayon sa source ng Agila ng Bayan.
Sinabi rin ng source na ayaw pabanggit ng pangalan ay inaalam na nila kung papaano na nagawang makaalis ng bansa ni Quiboloy.
“Walang napaulat na balita kung papaano siya nakaalis ng bansa, o kung mayroong hold order na inilabas laban sa kanya,” dagdag ng source.
Si Quiboloy ay kilalang malapit sa ilang politiko at local officials sa Mindanao.
Nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos si Quiboloy kaugnay ng patong-patong na kaso ng panghahalay at pang-aabuso sa mga babaeng menor de edad na miyembro ng KOJC.
Bago pumutok ang balita sa paglisan ni Quiboloy, makailang ulit na nagpadala ng imbitasyon kay Quiboloy ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality na nangangasiwa sa imbestigasyon kaugnay ng mga paratang na nagdadawit sa kanya sa large-scale human trafficking, rape, sexual violence, at child abuse, pero hindi ito nagpakita.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA