Pormal nang kinasuhan ng Pasig City Prosecutor’s Office si Pastor Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), at lima pang akusado sa Pasig City Regional Trial Court para sa qualified trafficking, isang non-bailable offence.
Kinumpirma ito sa media ni Assistant Secretary of Justice at spokesperson Atty. Mico Clavano.
Bukod dito, sinabi rin ni Clavano na kinasuhan din si Quiboloy ng paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act sa Davao Regional Trial Court.
Kasama ni Quiboloy sa kaso sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemanes.
Paliwanag ni Clavano, walang piyansang itinakda ang korte para sa kasong kinakaharap ni Quiboloy sa Pasig habang nagkakahalaga naman ng P180,000 ang pansamantalang kalayaan niya para sa kasong sexual assault at P80,000 para sa maltreatment.
Si Quiboloy, founder at lider ng Kingdom of Jesus Christ at nagpakilalang ‘Appointed Son of God’, ay ipinapaaresto rin ng Senado dahil sa hindi pagsipot sa hearing patungkol sa reklamo ng human trafficking, panghahalay, sexual abuse at iba pang pangaabuso sa mga kabataan at kababaihan.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA