NAG-ALOK ang self-proclaimed Appointed Son of God na si Pastor Apollo Quiboloy ng P1,000 reward sa sinumang makakahula at makapagtuturo sa kanyang kinaroronan.
“I will give you a puzzle regarding my location. If you will be able to solve it, I will give you P1,000 as a reward,” giit ni Quiboloy sa isang tape message matapos maglabas ng subpoena ang Senado kaugnay ng mga reklamong inihain ng mga dating miyembro ng sektang Kingdon of Jesus Christ (KOJC).
Matatandaan na naging usap-usapan na umalis na ito sa bansa nang sampahan ng maraming kaso laban sa kanya, at inamin na may gustong magpapatay sa kanya.
Nag-post ang kampo ni Quiboloy ng isang audio statement, kung saan nagbigay ito ng tip sa kanyang kinaroronan.
“Ako’y nakakubli, hindi kalayuan dito. Kuta ko’y puro bato, laksa-laksang pula at itim na langgam, handing ipagtanggol ako sa. Mga manlulupig na mga tao. Kano man o kalahi ko. Upang aking maitayo ang prinsipyong diwa, karanalan, Kalayaan ng isang marangal na Pilipino na naisilang sa paanan ng matayog sa lahat ng bundok Apo, sulong bayan ko, ipaglaban karapatan sa manlulupig di ka. pasisiil ang mamatay ng dahi sa‘yo,” saad niya.
Samantala, nakatisod naman ng kakampi si Quiboloy sa katauhan ng kapatid na senador ng Pangulo.
Para kay Senador Imee Marcos, labis-labis na ang pang-aapi at panggigipit sa dating presidential spiritual adviser.
“Lungkot na lungkot ako sa nangyari sa SMNI at kay Pastor Quiboloy. Mabait naman siya sa atin at higit sa lahat talagang tumutulong sa napakarami kaya’t malungkot ako na nauwi sa ganito,” wika ni Imee sa isang pulong-balitaan kamakailan.
Hirit ng senador, tigilan na ang sobrang pagdikdik sa religious leader na higit na kilala bilang malapit na kaibigan ni Duterte.
Mungkahi ng mambabatas. Ayusin na lang ang gusot kesa isalang sa kahihiyan ang kontrobersyal na pastor.
Hindi rin aniya angkop na iregalo ang ulo ni Quiboloy sa Estados Unidos kung saan may nakabinbin kaso ang religious leader na nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) kaugnay ng mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, and sex trafficking of children, sex trafficking by force, fraud and coercion, conspiracy, at bulk cash smuggling.
“Yung mga nagsasabi ng extradition, eh wala namang extradition request, bakit kayo nagmamadali? Labis naman,” pasaring ng senador.
Di rin aniya angkop na kalimutan na lang ang malaking naitulong ni Quiboloy sa tagumpay ng nakababatang kapatid noong 2022 presidential elections.
“Tumulong sila sa lahat ng ginagawa ng administrasyon para ipanalo ang administrasyon tapos ganito ang ginagawa sa kanya. Naiintindihan ko pero nalulungkot ako bakit sila nagsasalita ng ganyan,” aniya pa.
Una nang nagbabala si Senador Risa Hontiveros na ipapakulong si Quiboloy sa sandaling hindi pa rin siputin ang pagdinig ng senado kaugnay ng mga alegasyon ng panghahalay sa mga babaeng miyembro ng KOJC.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?