November 5, 2024

QUIAPO CHURCH PAMUMUNUAN NA NG MGA BAGONG PARI

MGA bagong pari na ang mamumuno sa Quiapo Church matapos na italaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari na mamumuno sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Saint John the Baptist Parish sa Quiapo Manila.

Sa sirkular na nilagdaan ni Arcdiocese of Manila Chancellor Isidro Marinay, itinalaga ni Cardinal Advincula si Fr. Rufino Sescon Jr. bilang Rector at Parish Priest ng basilica kahalili ni Msgr. Hernando Coronel, na magmimisyon sa Canada.

Itinalaga namang Parochial Vicars ng basilica si Fr. Jonathan Noel Mojica habang attached Priest naman si Msgr. Jose Clemente Ignacio, ang kasalukuyang Vicar General/Moderator Curiae ng Archdiocese of Manila.

Kamakailan ay nagsimula na ring manilbihan sa Quiapo Church bilang attached priest si Fr. Hans Magdurulang matapos italagang Parish Administrator ng Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish si Fr. Douglas Badong na dating parochial vicar ng simbahan habang attached priest ng Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora De Guia sa Ermita si Fr. Daniel Voltaire Hui.

Bukod ditto, itinalagang Parochial Vicar at Vice Rector ng National Shrine of St. Jude Thadddeus sa Malacañang Complex si SVD Missionary Fr. Antonio Wang Yuhang.

Inaasahang sa Oktubre at Nobyembre 2022 ay magkaroon nang pagpapalit ng liderato sa mga parokya ng Archdiocese of Manila matapos maabot ang itinakdang anim na taon sa paninilbihan.

Naantala ang re-shuffling ng mga pari ng arkidiyosesis matapos italaga ni Pope Francis sa Vatican noong 2019 si noo’y Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle.