November 24, 2024

QUEZON CITY INILUNSAD DRIVE-THRU COVID-19 VACCINATION SITE


Inilunsad ng Quezon City ang kauna-unahang nitong drive-thru vaccination site sa pakikipagtulungan ng SM Malls.



Ito’y bahagi ng kanilang pagsisikap na ilapit ang pagpapabakuna sa mga residente.

Itinayo ang drive-thru site sa SM Fairview sa District 5.

“This is another product of our strong partnership with the private sector. This site will be convenient for those who register in groups like a family who just have to drive-thru this site while in the comfort of their cars,”  ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Tulad ng ibang inoculation sites, ang mga residente ay kinakailangan sumailalim sa registration, screening, vaccination at post-vaccination evaluation habang nasa loob ng kanilang nakaparkeng sasasakyan sa designated slots.

Tanging citizens pre-registered sa pamamagitan ng barangay-assisted booking scheme ang pinahihintulutan.

Sa unang araw nito, nagawang bakunahan sa drive-thru site ang 100 residente ng Barangay Greater Largo na na kabilang sa A1 hanggang A3 category groups, o medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidities.

Nakatanggap din ng bakuna ang 110 residente ng Barangay Pasong Putik na kinikilala bilang A1 to A3 indviduals noong Martes. Magpapatuloy ang Drive-thru vaccination sa Sabado.

Inabisuhan ang mga residente na malapit sa drive thru site na makipag-ugnayan sa kanilang barangay para matulungan sa booking schedule.

Hinikayat din ni Belmonte ang mga residente ng siyudad na magpa-book ng kanilang sariling vaccination schedule sa pamamagitan ng EZConsult website o barangay-assisted booking.