January 23, 2025

QUEZON CITY INILUNSAD CLIMATE ACTION PROGRAM

Magkasamang pinirmahan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at H.E Laure Beaufils, British Ambassador to the Philippines and Palau, ang pledge of commitment kasabay ng paglulunsad ng Climate Action Implementation (CAI) program sa Novotel sa Araneta City, Quezon City. Ang CAI Program, na pinondohan ng pamahalaan ng UK, ay isang bagong environmental iniatives na nagsasagawa ng agarang aksyon upang tugunan ang climate crisis sa pakikipagtulungan ng C40 cities. Ipapatupad nito ang transformational climate actions at mainstreaming activites batay sa Enhanced Local Climate Change Action Plan ng siyudad. (KUHA NI ART TORRES)

PINANGUNAHAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte noong Huwebes ang paglulunsad ng Climate Action Implementation (CAI) program, isang bagong environmental initiative na nagsasagawa ng agarang aksyon upang matugunan ang krisis sa klima sa pakikipagtulungan sa C40 Cities.

Dinaluhan ang launching ceremony  na ginanap sa Novotel ng iba’t ibang environmental stakeholders at partners kabilang ang mga opisyal ng gobyerno, climate change at energy, business leaders, local at international development partners, financing institution, academics at civil society groups, professional associations at non-governmental organizations.

Ang programa, na pinondohan ng Gobyerno ng UK, ay magpapatupad ng mga pagbabagong aksyon sa pagbabago ng klima at mga aktibidad sa mainstreaming batay sa Enhanced Local Climate Change Action Plan ng lungsod. “The CAI will definitely expedite the city’s climate action initiatives as we aspire to be the leading city in advancing inclusive, ambitious, and evidence-based climate actions in the Philippines to provide a livable and quality community for all,” ayon kay Belmonte.

“This partnership will surely intensify our commitment in protecting every QCitizen against the effects of climate change. We hope that this will be the beginning of our future collaborations for a safe, healthy, and greener society,” dagdag ng alkalde.

Tutuon ang comprehensive technical assistance at capacity building program sa mga polisya at aksyon na magpapahusay sa kahusayan ng enerhiya, mag-amyenda sa green building code, at magpapalawak ng paggamit ng renewable energy sa mga gusaling pag-aari ng gobyerno, komersyal, at tirahan.


Ang nasabing mga plano ay tutulong sa lungsod na maging carbon neutral sa 2050 at magkaroon ng greener future para sa 3.1 milyong residente nito, na hinihikayat ang Quezon City na pangunahan na maging isang magandang halimbawa sa loob ng Pilipinas.


Mula noong 2015, ang Quezon City ay naging aktibong miyembro ng C40 Cities na nagtatrabaho sa mga nangungunang lungsod sa mundo na nakatuon sa pagharap sa climate change at pagtataguyod ng climate justice. Ang lungsod ay kabilang din sa 14 na lungsod sa buong Southeast Asia, Africa at Latin America na nakatanggap ng teknikal na tulong at capacity building mula sa C40 sa pamamagitan ng pagpopondo ng UK Government.