December 26, 2024

QUEEN OF VISAYANS MOVIES NA SI GLORIA SEVILLA PUMANAW NA, 90

PUMANAW na sa edad na 90 ang aktres na si Gloria Sevilla, kinikilala bilang “Queen of Visayans Movies,” habang natutulog sa Oakland, California noong Sabado.

Ito ang kinumpirma ng kanyang pamilya.

“My heart is breaking knowing I won’t see you again,” ayon kay Krista Ranillo, apo ni Sevilla.

Ilan sa mga minahal na pelikula ni Sevilla ay ang Madugong Paghihiganti noong 1963, Badlis sa Kinabuhi noong 1969 at Gimingaw Ako noong 1969.,

Nakilala din si Gloria bilang Manang Fe ng Be Careful With My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa Oakland, California, U.S.A ang mga labi ng namayapang veteran actress kung saan naninirahan rin ang kaniyang mga kaanak.