IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang mabilis na pagsasagawa ng summary dismissal proceedings laban sa pulis na inakusahang nangmolestya at gumahasa sa isang quarantine violator sa Mariveles, Bataan.
Kinilala ang suspek na pulis na si Patrolman Elmer Tuazon Jr., 25, nakatalaga sa Second Provincial Force Mobile Company ng Lamao Limay sa Bataan at ang kasabwat nito na si Armando Dimaculangan na nakatalaga bilang marshal team leader ng Public Safety Office sa nabanggit na bayan at naka destino sa Quarantine Control Point o QCP sa Barangay Batangas 2. at residente rin sa parehong lugar.
Base sa report ni PLtCol Cesar M. Lumiwes ang hepe ng Mariveles PNP na ang dalawang mga kasong rape by Sexual Assault at Acts of Lasciviousness na isinampa sa prosecutors office kung saan agad itong i-aakyat sa korte matapos makitaan ng probable cause.
“Humihingi ako ng paumanhin sa biktima at sa kanyang pamilya dahil sa kanyang sinapit at tinitiyak ko sa inyo na makakamit ninyo ang hustisya dito,” wika ni PGen Eleazar.
“Makakatiyak din ng agarang aksyon ang ating mga kababayan laban sa mga tiwali sa aming hanay kaya nakikiusap din ako na huwag sanang lalahatin ang kapulisan dahil iilan lamang ang mga ito at higit na mas nakakarami ang mga pulis na handang tumulong at gumagawa ng tama sa ngalan ng police service,” dagdag pa niya.
Hinikayat din ni PGen Eeleazar ang publiko na agad ireport o magsampa ng reklamo laban sa mga pulis na sangkot sa mga iligal o maling gawain. (KOI HIPOLITO)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE