Dumipensa ang Department of Health sa pagpapatupad ng bagong polisiya partikular na ang mas maikling quarantine period sa mga COVID-19 patients at close contacts.
Paliwanag ni DOH Spokesperson Usec. Rosario Vergeire ang policy shift ay masusing pinag-aralan ng mga lokal health expert at ipinapatupad din sa ibang mga bansa.
Iginiit ng opisyal na hindi gagawa ng mga hakbang ang gobyerno na mas magpapalala sa COVID-19 situation ng Pilipinas.
Batay sa bagong polisiya ng IATF pina-iksi nito ang isolation at quarantine protocols para sa mga bakunadong indibidwal nang hangang limang-araw.
Iginiit ni Vergeire na lumalabas sa pag-aaral na mas maikli ang araw na nakakahawa at mas kaunti ang viral load ng mga taong fully vaccinated na laban sa COVID-19.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna