NAKATAKDANG ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine classification na ipatutupad sa susunod na buwan, ayon sa Malacañang ngayong Lunes.
“I’ll let you know. But if I’m not mistaken, it will be tomorrow,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang televised briefing.
Walang mga lugar sa Pilipinas ang ililipat sa new normal sa mga darating na araw matapos ang naging desisyon ng COVID-10 task force noong nakaraang linggo kung saan mananatili pa rin ang bansa sa ilalim ng community quarantine upang mapabagal ang pagkalat ng virus.
Sa kasalukuyan, tanging Cebu City ang isasailalim sa enhanced community quarantine habang ang kalapit na lugar nito sa Talisay ay isasailalim sa modified ECQ. Ang lahat ng iba pang ligar sa bansa ay maaring sumailalim sa general community quarantine o modified GCQ.
Nakapagtala na ang Pilipinas ng 35,455 na kaso, habang 9,686 ang gumaling at 1,244 ang namatay.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA