DINISMIS ng People’s Law Enforcement Board of Quezon City (PLEB) sa serbisyo ang dating hepe ng Quezon City Police District Crime Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) habang suspendido naman ang tatlong pulis kaugnay sa pagkamatay ng isang tricycle driver sa nangyaring hit-and-run incident noong nakaraang taon.
Sa 19-pahinang desisyon, sinibak sa serbisyo ng PLEB QC si P/Lt Col. Mark Julio Abong at pinatawang ng 60-day suspension sina P/Col. Alexander Barredo, PCpl Joan Vicente at PSMS Jose Soriano. Habang pinawalang-sala naman ang siyam pang pulis.
Dinesisyunan ang kaso ng Fourth Division ng PLEB – na binubuo ng Chairman nito na si Atty. Rafael Vicente Calinisan, Councilor Ma. Aurora “Marra” Suntay, Punong Barangay Tonito Calma, Atty. Colleen Calleja at citizen representative Ronnie Liang.
Nag-ugat ang desisyon mula sa reklamo ng mga kapatid na babae ni Joel Laroa, na namatay sa hit-and-run incident sa kahabaan ng Anonas St. noong Agosto 6, 2022.
Base sa inihaing reklamo noong Agosto 16, 2022, sinabi ng mga kapatid ng biktima na sina Arlene Laroa Buenvenida, Annale Laroa Alba at Armida Laroa Carbonel nasagaan ni Abong na lulan ng kanyang itim na Ford Ranger pick-ip na may plakang NCG 8456 ang kanilang kapaitd at tumakas sa pinangyarihan ng insidente sa tulong ng ilang police officer.
Pinayagang makatakas umano nina Barredo at Vicente si Abong para maiwasan ang pananagutan at hindi tinulungan ang biktima, na nag-aagaw-buhay sa loob ng isang oras sa Anonas St., Quezon City.
Tumulong din si Soriano, ang traffic investigator na naka-assign sa kaso, para pagtakpan ang insidente.
Sa pamamagitan ng mga video na iniharap na ebidensya natukoy ang mga pulis na nagtangkang umaresto kay Abong pero hindi itinuloy nang matanto na hepe ng CIDU ang suspek.
Habang si Soriano, inilagay sa investigation report na “unknown driver” ang nakabangga sa biktima. Pinalitan pa ito at ginawang “Ronald Centino” sa utos ni Atty. Mario Abong II, kapatid at tumayong abogado ni Abong.
Kaugnay nito, pinuri ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang QC-PLEB at pinasalamatan si Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin Jr. Sa pagtulong sa imbestigasyon ng PLEB. “We are grateful to CPNP Gen. Azurin for extending help to the PLEB in their investigation. This shows the integrity of his word and sincere intention in cleaning the ranks of the PNP,” ayon kay Belmonte.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY