NAKATANGGAP ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng 25 biodigesters at food waste-on-wheels mula sa United Nations Development Programme (UNDP) at Japanese Government sa layong maitaguyod ang inisyatibo sa circular economy.
Nagpapasalamat si Mayor Joy Belmonte makaraang matanggap ng siyudad ang naturang kagamitan mula kay First Secretary and Agriculture Attaché of the Embassy of Japan in the Philippines Jumpei Tachikawa at UNDP Resident Representative in the Philippines Selva Ramachandran.
Pinasalamatan din niya ang UNDP at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para maging bahagi ang Quezon City sa nasabing inisyatiba.
Food waste constitutes 43 percent of the total waste generated in the city so we must establish a robust and effective food waste recovery program. These biodigesters and food waste-on-wheels from UNDP and the Japanese Government will help the city attain a low-carbon future,” wika ni Mayor Joy Belmonte.
“The equipment will support Quezon City in expanding its efforts towards a circular economy. It is our hope that the presence of the equipment in communities will provide Q-Citizens with better opportunities to practice circularity in their daily lives,” pahayag naman ni Dr. Selva Ramachandran, UNDP Philippines Resident Representative.
“I am optimistic that this collaboration with Quezon City will contribute to creating local circular economy models that can be replicated in other local government units,” pagbabahagi naman ni Jumpei Tachikawa, First Secretary and Agriculture Attaché of the Embassy of Japan in the Philippines.
Sa tulong ng biodigesters, maaaring gawing biogas ang mga organic waste gaya ng food scraps. Ang biogas na ito ay pwedeng gamitin bilang panluro o kaya ay soil conditioner sa nga pananim.
Ipapamahagi ang 25 biodigesters sa mga barangay kabilang ang Bagong Pag-asa, Sto. Cristo, San Antonio, Talayan, Batasan Hills, Payatas, E. Rodriguez, Mangga, Escopa III, Marilag, St. Ignatius, Libis, East Kamias, Loyola Heights, Milagrosa, Kamuning, Pinagkaisahan, Roxas, Central, Bagbag, North Fairview, Kaligayahan, Talipapa, at Culiat. Magkakaroon din ng isang biodigester sa Joy of Urban Farming Demo-farm.
Sa kabilang banda, mag-iikot naman ang Community to Farm Mobile Waste Recovery System sa mga benepisyaryong barangay, lalo sa mga lugar kung nasaan ang mga tsibugan para kolektahin ang mga food waste upang mapakinabangan ng mga biodigesters.
Maglalagay din ng biodigesters at food waste-on-whhels sa urban farms at public markets.
“Communities are the most affected by the consequences of climate change. Through these biodigesters and food waste-on-wheels, we can effectively engage the community to participate in the city’s climate action, thus ensuring that the solutions are tailor-fit to their needs and challenges,” dagdag ni Mayor Belmonte.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund