December 25, 2024

QC SINIMULAN ANG PAMAMAHAGI NG TULONG SA 28K DISPLACED WORKERS

Nakatakakdang makatanggap ng P2,000 ayuda mula sa pamahalaang lungsod ang mahigit sa 28,000 displaced workers matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula noong Agosto 6 hanggang 20 sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng programang ‘Kalingang QC sa Manggagawa’ para sa displaced workers, makatatanggap ng pinansiyal na tulong ang mga resdente ng QC na nawalan ng trabaho at pinagkukunan ng kabuhayan.

“Ayuda will be given to workers residing in the city who were not given salaries during the two week-ECQ and self-employed individuals whose jobs were not permitted during the said quarantine period. We will also provide assistance to those who are not beneficiaries of the ECQ financial assistance of the Department of Social Welfare and Development (DSWD),” saad ni Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Barangay and Community Relations Department (BCRD) head Ricardo Corpuz, beberepikahin at aaprubahan ng siyudad ang higit sa 28,000 aplikante bilang recipients ng programa. Naka-schedule sila para sa payout hanggang sa susunod na linggo.

“With the help of barangays na nangolekta ng forms sa ating target beneficiaries, we are hoping to finish distributing the cash aid until next week,” paliwanag ni Corpuz.

Kailangan ipakita ng mga aplikante ang valid government ID na may address nila; sertipikasyon mula sa kanilang employer o payslip na katibayan na hindi nila natanggap ang kanilang sahod dahil sa ipinatupad na ECQ o isang sertipikasyon mula sa barangay na nagpapakita na ang kanilang negosyo o trabaho ay hindi pinahintulutan o hindi kumita sa panahong iyon.

Kailangan nilang mag-fill up at isumite ang application forms at iba pang dokumento sa kani-kanilang mga barangay. Kokolektahin ng BCRD ang mga form at dadalhin sa Social Services Development Department (SSDD).