November 5, 2024

QC PINAYAGAN ONLINE PAYMENT SA RPT, BAGONG BUSINESS PERMITS


IPINAKIKILALA ng Quezon City government ang bagong electronic payment facility sa mga tax payers at business owners kaya madali na silang makapagbabayad ng real property dues at makapag-file ng bagong business permit applications.

Simula Agosto 24, maari nang mag-file ang mga business owners ng kanilang permits application sa pamamagitan ng “QC E-Services portal” kung saan puwede ring bayaran ng mga business owner at city taxpayers ang kanilang dues sa pamamagitan ng QC Pay Easy” na matatagpuan sa online services website ng siyudad, ayon sa lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng QC Pay Easy, maari ng magbayad ang mga city taxpayer at business owners sa pamamagitan ng credit card, Paymay e-wallet, o sa instantly transfer funds mula sa mga sumusunod na bangko: BPI, RCBC, Robinson’s Bank, and UnionBank.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, malapit na ring idagdag ang iba pang online payment methods.

Pagnaglaon, sinabi rin niya, isasama  na rin sa sytem ang lahat ng online services ng kinakailangang bayaran sa City Treasury.

“Paying taxes should not be taxing. That’s why the local government is keen on delivering cost-efficient and practical solutions such as this to address the woes of our taxpayers and business owners,” dagdag niya.