December 23, 2024

QC PINAKAMAYAMAN NA SIYUDAD SA ‘PINAS

Kuha ang larawan mula sa Wikipedia

NANANATILI ang Quezon City bilang pinakamayaman na siyudad sa Pilipinas, lumabas sa 2021 report ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA report, umabot sa P451.007 bilyon ang assets ng Quezon City, na may pinakaraming populasyon sa Metro Manila.

Ang Makati City naman ang ikalawang pinakamayaman sa assets nitong P238.5 bilyon.

Ang iba pang mayayaman na lungsod ay ang mga sumusunod: Maynila, P65 bilyon; Pasig, P51 bilyon; Taguig, P36 bilyon; Cebu, P33.3 bilyon; Mandaue, P33 bilyon; Mandaluyong, P31 bilyon; at Davao na may P26.56 bilyon.

Samantala, napanatili naman ng Cebu ang puwesto nito bilang pinakamayamang lalawigan sa bansa na may P215.27 bilyon na assets.
Nasa malayong ikalawang puwesto naman ang Rizal na may P30.6 bilyon, pangatlo ang Batangas sa P29.7 bilyon.

Habang ang pinakamayamang munisipalidad sa bansa ang bayan ng Carmona, Cavite, na may P6.211 bilyon na assets.