December 23, 2024

QC PINAGANA 83 VACCINATION AREAS (Mga walang bakuna target maturukan)

Upang matulungan mapalakas ang immunity ng mga residente nito, naglagay ang Quezon City LGU ng 84 vaccination areas sa anim na distristo na maaring mag-accommodate sa mga hindi pa bakunadong indibidwal at para sa mga nais magpa-booster shots.

Bukas sa QCitizens ang 36 regular na vaccination sites, 21 special o pop-up sites, 16 malls o 16 establisyimento. Accessible rin ang drive-through sites, maging ang house to house vaccination para sa mga nakaratay.

We will be actively looking for those who are still unvaccinated and encourage them to get their COVID-19 vaccine shots immediately so they can acquire protection against the virus, which has been raging again since the latter part of last month,” saad ni Mayor Joy Belmonte.

“This is on top of our duty to assist COVID-19-confirmed persons by treating them in our Hope facilities or through our home care program,  and to trace close-contact individuals,” dagdag niya.

Dahil sinuspinde ang face-to-face classes ng national government, gagamitin muna ang pampublikong paaralan sa QC bilang karagdagang vaccination sites.

Maglalagay din ang siyudad ng permanenteng vaccination sites sa iba’t ibang lugar sa buong siyudad, kabilang ang events venues at iba pang eligible areas. Muli ring bubuksan ang Smart Araneta Coliseum bilang Mega Vaccination Site ng siyudad sa Sabado, Enero 15.

“Last year, we went all out to achieve our target of 1.7 million vaccinated adult individuals in record time. The same strategies will be implemented this time, including maximizing partnerships with the private sector such as malls and business establishments, churches, civic associations, and other stakeholders,” ayon kay QC Task Force Vax to Normal Coordinator Dr. Maria Lourdes Eleria.