SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng 1.2 milyon na facemask at 300,000 face shield para sa mga salat na residente nito mula sa 142 barangay ng siyudad.
Kabilang sa mabibigyan ng mga facemask at shield ay mga vendor, TODA drivers at senior citizens.
“We are giving out more face masks and face shields especially to our indigent residents who cannot afford to buy so that hopefully we can reduce the number of health protocol violators,” giit niya.
Nababahala kasi si Mayor Belmonte kaugnay sa pagdami ng bilang ng lumalabag sa health protocol na pinagsabihan at pinagmulta na karamihan ay mula sa vulnerable sectors.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin aniya paiigtingin ng Quezon City ang kampanya nito para pagsabihan at pagmultahin ang mga wala o hindi maayos pagkakasuot ng facemask sa pampublikong lugar.
“We will exercise maximum tolerance and enforce our local ordinances in the meantime. As much as possible we want to avoid detaining them because we lack space in our detention facilities and the virus could easily spread in enclosed spaces,” ani ni Mayor Belmonte. “Only those who resist, defy, or assault enforcers will be detained,” dagdag pa niya.
Base sa datos ng QCPD, umabot sa 825 indibidwal ang naaresto mula Mayo 6 dakong alas-5:00 hanggang Mayo 11 dahil sa paglabag sa ordinansa ng siyudad sa wastong pagsusuot ng facemask at face shield. Humigit-kumlang 7,600 ang pinagsabihan, habang 7,886 ang pinagmulta.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA