MAGPAPATUPAD ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng stop-and-go scheme sa Elliptical Road at sa harap ng Quezon City Hall para sa “Love Laban 2 Everyone” Pride month thanks giving celebration na gaganapin sa Quezon Memorial Circle ngayong Linggo.
Sarado ang innermost lane ng Elliptical Road at nagtalaga ng parking area para sa mga dadalo.
Nakadepende ang stop-and-go scheme sa dami ng bilang ng tao na dadalo sa event, na mapagpapatuloy hanggang alas-9:00 ng gabi, ayon kay Dexter Cardeñas, head ng traffic and transport management department.
“Kapag manageable pa ‘yung dating ng mga tao dun sa underpass na muna pinapadaan. Kung talagang volume na siya at sisikip sa underpass doon na natin sa ground level sa taas na pinapadaan,” ani Cardeñas.
Mahigit sa 600 TTMD personnel ang idedeploy sa paligid ng Elliptical Road at kalapit na kalsada, tulad ng Visayas Avenue, North Avenue, East Avenue, V. Luna at Kalayaan Avenue,
Tiniyak naman ni Cardeñas sa publiko na hindi magiging matindi ang sitwasyon ng trapiko gaya noong nakaraang Pride event. Binanggit niya na 30,000 na lang ang dadalo sa pagkakataong ito,
“This time, Sunday di ganun karami yung volume of vehicles running on the road so it would be much better managed tayo sa traffic and crowd control as well…I assure you, we will make sure talaga na passable na passable talaga yung ating QMC or Elliptical Road,” saad niya,
The Quezon City LGU has also extended the operation of their free Q City Bus service until 12:00 a.m. on Monday.
Ang mga ruta para sa Q City Bus sa Quezon Memorial Circle ay ang mga sumusunod:
– Route 1: Quezon City Hall (Kalayaan Ave.) – Cubao
– Route 2:Quezon City Hall (NHA) – IBP/Litex
– Route 4:Quezon City Hall (NHA) – General Luis
– Route 5:Quezon City Hall (NHA) – Mindanao Ave. via Visayas Ave.
– Route 6:Quezon City Hall (NHA) – Gilmore Ave.
– Route 7:Quezon City Hall (NHA) – C5 / Ortigas Ave. Ext.
– Route 8:Quezon City Hall (NHA) – Muñoz
More Stories
PAGPAPALAYA SA POLITICAL PRISONER GIIT NI CARDINAL DAVID
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo