NAGLABAS si Mayor Joy Belmonte ng show-cause order laban kay Majority Floor Leader Franz Pumaren para magpaliwanag sa umano’y paglabag sa health protocols sa isinagawang food distribution activity sa Barangay Old Balara, kamakalawa.
Natanggap ang show-cause order ni Councilor Pumaren ngayong araw.
Ayon sa alkalde, seryoso ang Local Government Unit (LGU) sa pagpapatupad ng mga COVID-19 protocols at titiyaking mananagot ang mga violators kahit ano pa ang kanilang posisyon o estado sa buhay.
Bilang bahagi ng kanilang pangako na mahigpit na ipatutupad ang health protocols, muling nagbabala si Mayor Belmonte sa lahat ng QCitizens, kabilang ang mga opisyal, na kanilang parurusahan nang walang takot at walang pinapaboran, kung lalabagin nila ang health regulation at ilalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga residente.
Nagsasagawa na rin ang City Legal Deparment ng necessary investigation kaugnay sa ulat na ito at dapat sampahan ng naangkop na kaso.
Inatasan na rin ang Quezon City Epidemiology ang Surveillance Unit na magsagawa ng COVID-19 testing sa mga lumahok sa aktibidad.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA