QUEZON CITY – Inaprubahan ng Quezon City government ang P250 milyong pondo para sa employees’ hazard pay ng lahat ng eligible workers na nagtatrabaho sa panahon na ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.
“All our workers on-duty deserve to be fairly compensated for their sacrifices especially since they face the inevitable risk of contracting the virus,” saad ni Mayor Joy Belmonte.
“They deserve no less as they continue to support us in the delivery of our services and programs to the public,” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng Ordinance No. SP-3025, s-2021 ang lahat ng regular, contractual o casual employees o kahit na nasa contract of service, job order ay pawang qualified tumanggap ng P500 hazard pay kada araw ng pagpasok sa trabaho.
Ang mga barangay personnel na may plantilla at contractual positions ay bibigyan ng lokal na pamahalaan ng hazard pay na P200 per day sa ilalim naman ng Ordinance No. SP-3026, s-2021.
Ilang mga lugar sa National Capital Region ay naisailalim sa ECQ mula March 29 hanggang April 4 at na extend hanggang April 11. Kasama ang QC sa naisailalim sa MECQ mula April 12 hanggang April 30 at na extend hanggang May 14.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA