November 3, 2024

QC NAGHAHANDA NA PARA BAKUNAHAN ANG MGA MINOR NA MAY COMORBIDITIES

Puspusan ang paghahanada ng Quezon City Local Government Unit o QC-LGU para isama ang pediatric population na may comorbidities sa vaccination rollout nito.

Binukasan na ng city government ang registration para sa mga menor de edad na may mga karamdaman habang nag-aantay ng vaccine supply.

Maaring i-rehistro ng mga magulang o mga guardian ang kanilang mga anak sa QCVaxEasy website: www.qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy, o kaya naman ay magtungo sa kanilang mga barangay office.

Ang naturang aged group ay kumakatawan sa 30 percent ng 3.1-M population ng lungsod.

Sa ngayon, umabot na sa 80% na ng adult population o 1.7 million individuals na may edad 18 pataas ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine.